Narito ang mga nangungunang balita ngayong TUESDAY, November 2, 2021:
- Motorsiklo, sumemplang; angkas, nakaladkad at nagulungan ng truck
- Presyo ng gasolina, tumaas; kerosene at diesel, bumaba
- Mga driver, hirap nang kumita dahil sa taas ng presyo ng petrolyo
- BOSES NG MASA: Sang-ayon ba kayo na alisin na ang plastic barriers sa mga PUV?
- Supply ng tubig sa ilang bahagi ng Maynila, bumalik na
- COVID-19 cases sa NCR, patuloy na bumababa
- Pagbabago ng curfew hours sa NCR, pinag-uusapan ng MMC bilang paghahanda sa dagsa ng Christmas shoppers
- Anim na bahay, nadamay sa sunog sa Pasig
- Pocket-size na usa, isinilang sa isang zoo sa Germany
- 1 patay, 3 sugatan sa sunog sa Novaliches
- Maraming residente, dumalo ng misa para sa mga patay | Travel restrictions sa Bohol, mas pinaluwag | Ilang beach sa Pangasinan, dinagsa | Mga beach sa Iloilo, dinagsa ng mga residente
- Secretary Bello: P4.6-B na utang na sahod sa mga OFW, inaasahang babayaran ng Saudi sa Disyembre
- Barangay chairman, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem; asawa niya, sugatan
- 40 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Antipolo
- Seating capacity sa mga PUV, 70% na simula sa Huwebes
- Vice President Robredo sa public vetting ng mga uupo sa COMELEC: "Lalong binibigyan 'yung tao ng pagkakataon na magkaroon ng ambag" | - Senator. Lacson, pabor sa public vetting ng mga itatalaga sa COMELEC pero pangulo pa rin ang may kapangyarihan na mag-appoint | Bongbong Marcos, pinasinayaan ang pagbubukas ng headquarters sa Cebu at dumalo sa isang shooting tournament | Moreno-Ong tandem, nakipag-virtual meeting sa Fil-Am community sa California
- Kontrata sa pagde-deliver at pag-iimbak ng mga kagamitan para sa #Eleksyon2022, pormal nang iginawad sa F2 logistics
- Pagbabakuna gamit ang sinovac sa mga edad 6-11, aprubado na sa Indonesia
- COVID-19 cases update
- Babae, nabundol ng motorsiklo | 150,000 doses ng COVID-19 vaccine, kasamang natupok sa sunog sa tanggapan ng PRC at IPHO
- Pagpapalaya sa aktibistang inaresto sa operasyong ikinamatay ng 9 na tao, ipinag-utos ng korte
- Mag-asawang online seller, mag-iisang buwan nang nawawala
- Daloy ng trapiko sa bahagi ng NLEX, bumabagal na
- Ilang bata, walang suot na face masks habang naglalaro sa labas ng bahay
- Pinoy artist, wagi ng gold medal sa isang arts competition sa Italy
- Kim Seon Ho, gaganap bilang Korean-Filipino boxer sa isang upcoming film
- Hanging Amihan, umiiral sa buong luzon
- Indonesia, nagpaparami ng lamok na carrier ng bacteria na kayang makapigil ng dengue virus